Langit at Impiyerno Testimonya
Tagalog
www.heaventagalog.com

Ricardo Cid

Ricardo Cid8 Oras Sa Langit
ni Ricardo Cid
[PDF]       [DOC]


Sinabi ng Panginoon, “Sinusugo ko ang mensaheng ito para sa aking mga hinirang sa mundo, sapagka’t ako ay totoong buhay sa maka-langit na kaharian.”

Pahayag 4:1

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa iang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin..

Pahayag 5:11

At sila'y iyong narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo;g.

    Paki-usap, kayong mga nasa iglesia, makinig kayo sa nangyari sa buhay ko. Sa panaginip, ang Panginoon ay nag pasimulang maki-pag-niig sa akin. Naaalala ko sa panaginip na ‘yan, ako ay lumabas sa aking bahay. Nag-tungo ako sa lansangan sa aking mga kapit-bahayan at naramdaman kong may Isang humila sa akin tungo sa kalangitan tangan ang aking mga bisig at ako ay tumatakbo sa mga ulap at lumuluwalhati sa Dios. Ang matinding liwanag ay dumating sa akin at ang isang tinig ay nag-sabi mula sa kaliwanagan, “Ricardo, Ricardo, huminto ka sa iyong hanap-buhay sapagka’t nais ko na may gawin ka sa iyong buhay at ang mga lingkod ko sa daigdig.” Matapos marinig ang mga salita, ako ay matinding nanginig at nagising mula sa aking panaginip. Ako ay bumangon at nag-pasimulang tumangis sa Dios at nag-tanong, “Ano ito, Panginoon?”

Itong tinig ay dumating sa akin na napaka-lakas. Nangyari sa akin sa maraming araw. Muli akong humiga at natulog at nag-karoon ulit ng kaparehong panaginip at inulit ng Panginoon ang parehas na mensahe sa akin. Pag-katapos nang naulit na pag-kakataon, ako ay gumising at nag-sisisigaw dahil tinig ng Dios ay sumisidhi ang lakas sa bawat pagkakataon. Tuwing ako’y gumigising nanginginig, ako ay nasigaw at ang aking mga magulang ay nag-tatanong, “Anong nangyayari?” Sinasabi ko sa kanila ang tungkol sa panaginip at ang aking ina ay nananalangin para sa akin at nagsabi, “kung ang Panginoon ay nangungusap sa’yo, kung gayon Siya ang mag-bigay ng kaunawaan.”

Kami ay nag-patuloy manalangin sa magdamag sa gabi hangang sa ang oras para sa’kin ay tumungo sa trabaho kinabukasan ng umaga. Sinabi ng aking ina na kung ganon mag-handa na at umalis na para mag-trabaho. Kami ay humiling sa Panginoon para sa isang sinyales para aming malaman kung Siya o hindi Siya ang nakiki-pag ugnayan sa akin. Ako ay naligo, nag handa, at pumasok sa trabaho. Ako ay empleyado sa “Chile Laboratories”.   

Tunay kong mahal ang aking trabaho. Ako ay nag-hihintay nang masasakyan sa istasyon ng mga bus patungo sa trabaho. Nung ako ay bumaba na sa bus, may isang tao na biglaang sinabi sa akin, “Ano pa ang ginagawa mo dito? Hindi ka na dapat nag-tatagal pa sa lugar na ito.” Sa marami pang okasyon, may mga nag-sasabi pa sa akin ng ganun ding mga bagay. Ang naka-mamangha ay hind sila mga isinilang na muli (born again). Ito ang sinyales na naibigay ng Dios sa akin. Pagkatapos ng mga sinyales, ako ay nag-desisyon na tumungo sa aking Amo para mag-paalam. Ang sabi ko, “kinakailangan ko nang umalis sa kumpanyang ito dahil inutusan ako ng Dios na huminto.” Kapag ang Panginoon ang nag utos, KAILANGAN tayong sumunod. Ang aking Amo ay tunay na nababahala sa akin at nag-tanong, “Ano na ba ang gagawin mo? Saan ka makatatagpo ng iba pang trabaho na mas hihigit dito?” Sinabi ko na kaylangan kong sumunod sa Dios. Hindi nag laon, pinatawag ang dalawang libong tao para mag pa-alam sa akin.

   Pagkatapos nito, tinipon ko na ang lahat ng aking nga gamit at bumalik sa bahay. Sa aking pag dating, ang aking ina ay nag-hihintay para sa akin sa tapat ng tarangkahan. Sinabi ko na tumigil na ako sa aking trabaho dahil pinatunayan ng Panginoon ang aking mga panaginip sa pamamagitan ng mga tao sa kumpanya. Tugon ng aking ina, “Kung ang Panginoon ang nangusap sa iyo, nawa ay gawin Niya ang naisin Niya sa buhay mo.”

Santiago, Chile    Siya at ako ay nag-tungo sa bahay, nag-kausap hangang sa pag-lalim ng gabi. Hindi nag laon, sinabi ko sa kanya kaylangan ko nang mahiga dahil kakausapin ako ng Dios ngayong gabi sa panaginip. Akala ko Sya ay makikipag usap sa’kin sa panaginip, ngunit hindi ito nangyari gaya ng inakala ko. Ngunit, Sya ay nakipag ugnayan sa akin sa kakaibang kaparaanan. Nuong ako ay nakatungo na sa silid tulugan at nag-hubad ng damit, ang silid ay nag-pasimulang mayanig. At ako ay nag-sisigaw, “Niyayanig ng lindol ang Santiago, Chile.” Sinubukan kong umalis sa aking silid, ngunit may isang hindi nakikita ang nag-pipigil sa akin na lumabas sa pintuan. Nakikita ko ang aking ina at pamilya nang tagos sa kwarto at sumigaw ako ng saklolo ngunit walang makarinig sa akin. Nalaman ko, na ang isang pumipigil sa akin ay isang anghel ng Panginoon. Napa-atras ako at humiga sa kama at umiyak sa Dios, nag-mamaka-awa sa Kanya na sabihin kung ano ang nang-yayayari.

Hindi nag laon ang malinaw na tinig ang nangusap sa akin. Ang Banal na Espiritu ay nag pasimulang mag-salita sa akin sa pinaka-magandang tinig, na nag sasabing, “Ricardo, ngayong iniwan mo na ang iyong trabaho, nais kong pumunta ka sa iyong simbahan at manalangin ng pitong oras kada araw para sa iyong buhay, at para sa aking iglesia sa mundo.” Pagkatapos mag salita ng Panginoon, ang silid ay huminto sa sa pag-yanig. Sinimulan kong iunat ang aking kamay tungo sa pintuan at nasumpungan na pwede na akong lumisan sa silid muli. At ako ay tumakbo sa aking ina at sumigaw “Narinig ko ang tinig ng Banal na Espiritu” at lumabas ako ng bahay at nag-sisisigaw sa labas. Maraming tao ay hindi naniniwala na ang Dios ay nakikipag-usap sa mga tao hangang ngayon ngunit sasabihin ko sa’yo ito’y totoo, Siya ay nakikipag-usap sa mga tao! Kung ang Panginoon ay nakikipag usap kay Abraham, Siya ay makikipag-usap din sa atin, ang kanyang iglesia ngayon! Ako ay nag-tungo sa simbahan at naka-usap ang Obispo at kami ay nag-kasundo na buksan ang simbahan ng ika-8 ng umaga araw-araw upang ako ay maka-panalangin at maka-sunod sa utos ng Dios. Bawa’t umaga, ako ay pumupunta sa simbahan at nananalangin oras isa, dalawa, at sa ikatlo, wala na akong maisip ipanalangin ay ako ay nag-tanong sa Dios. “Panginoon, ano pa po ba ang pwede kong ipanalangin? Meron pa akong apat na oras na natitira!”

   Hindi nag-tagal, ako ay nakarinig ng dagundong sa ilalim ng lupa mula sa likod ng pintuan ng simbahan. Muli kong naramdaman ang simbahan ay nayayanig mula kaliwa patungong kanan gaya ng isang lasing na tao. Habang umuuga, ang Panginoon ay nag-salita sa akin ng malinaw ngunit hindi sa parehong tinig gaya ng sa aking panaginip dati na mayroong otoridad, sa oras na iyon, Siya ay nag salita sa nag dadalamhating tinig. Sabi Niya, “Ricardo, Ricardo ipanalangin mo ang aking iglesia! Ang akin iglesia ay hindi na kagaya ng dati!! Ang aking iglesia sa mundo ay nag bago na. Ang iglesia ko ay nawalan nang pananampalataya. Ang iglesia ko ay hindi na nananalig sa Akin na Ako’y buhay!! Ipanalangin mo ang aking iglesia, dahil ang aking iglesia ay hindi na kaylanman nananalangin o nag-aayuno pa man!”

Ang pagyanig ay humupa matapos Niyang mag-salita. Ako ngayon ay nag-pasimulang manalangin at maglakad-lakad sa simbahan para sa mga natitira ko pang apat na oras na nag-susumamo sa Dios para sa mga tao na manumbalik    Huwebes ng ikalawang lingo ng pananalangin para sa iba, ako ay gumising nang may matinding sakit sa aking mga buto at kasu-kasuhan at ayokong mag-bangon. Ang aking ina ay nang-gigising sa akin upang pumunta ako sa simbahan para manalangin, ngunit ako ay dumaing dahil ang aking katawan at buto ay masasakit. Pinayo niya na manalangin na lang ako sa bahay kung ganun. Ganunpaman, ipina alala ko sa kanya na tumpak na sinabi sa akin ng Dios na tumungo ng simbahan upang manalangin. Kung kaya’t tinulungan nya akong mag-bihis at inihatid sa simbahan. Nang umagang yaon, maraming tao ang nananalangin sa simbahan at nang-hingi ako ng panalangin dahil sa sakit ng aking katawan. Sinabi ko sa kanila na totoong ako ay mahina para manalangin. Kaya pinahiran ako ng langis at pinanalangin ang aking katawan at ako ay tumangap ng kakaibang kalakasan mula sa Dios! Hallelujah! Nagpa-simula akong manalangin ng paro’t-paritong nag-lalakad, humihingi sa Dios ng awa para sa bansa ng Chile at para sa mga pamilya at sa mga taong lulong sa droga at para sa iglesia.

Natapos ko ang pananalangin para sa mga tao at sa kinagabihan sa simbahan ay may pag-titipon. Matapos mag bigay ng benediction ng Obispo, itinaas ko ang aking mga kamay at nadama ko na may duamaan sa aking likuran at hinipo ang aking likod. Nung nagyari ito, nawalan ako nang lakas at natumba sa sahig. Ang Obispo ay nag-tanong ano ang nagyayari sa akin at sumagot ako na hindi ko alam, wala akong lakas at hirap akong makipag-usap. Hindi nag-tagal lahat ng tao sa simbahan ay pinalibutan ako at nag-pasimulang manalangin sa ibang wika at sumigaw. At may mga iba sa kongregasyon na naka-kita ng anghel na parating sa loob na hinihiling na iwanan ko and aking katawan. Ang Obispo ay nag-deklarang, “Hindi mo iiwan ang iyong katawan!”. Pagka-sabi nito, ang anghel ay huminto sa pag-senyas upang iwanan ko ang aking katawan. Batid ninyo, sino man ang mayroong otoridad kay Hesus ay iginagalang ng anghel ng Panginoon.

Ang Obispo ay nag-tanong sa’kin, “Gaano katagal nais ng anghel na iwanan mo ang iyong katawan?” Kung ganun, tinanong ko ang angel, “Kukunin mo ba ako sa isang oras? Dalawa? Tatlong oras?” Tumugon ang anghel, “Hindi, ikaw ay mag-lalaho sa loob ng 8 oras upang makita si Hesus sa ikatlong langit dahil gusto Niyang maka-usap ka.” At sinabi ng anghel sa akin, “Hindi ako ang mag-hahatid sa iyo sa kalangitan, dahil ako ang iyong bantay-anghel na nag-iingat sa iyo sa bawat araw na inilalagi mo sa mundo. Dalawang anghel ang darating mula sa langit upang kunin ka tungo sa ikatlong langit sa kalaliman ng gabi.” Sinabi ko ito sa Obispo at siya ay determinado na isakay ako sa sasakyan ng isang kapatiran sa bahay ng isang pastor sa ikalawang palapag. Habang ako’y naka-higa sa silid, naririnig namin ang mga kahol ng mga aso at sigawan ng mga tao.

Pagkatapos ng aking karanasan, may nag-sabi sa akin na dalawang lalake sa maningning na puti ang damit na nakasisilaw ang nag-pakita sa gitna ng kalye at nag-tungo sa unang palapag ng gusali at pumanik sa ikalawang palapag kung saan ako ay nananatili. Ang mga anghel na ito ay talagang napaka gaganda. Sila ay may makislap na buhok na puti, maputi pa sa mga nieve (snow) at mga matang natutulad sa mga perlas. Ang kanilang mga balat ay singkinis ng sanggol, ganun paman ang kanilang mga katawan ay maskulado gaya ng mga taong nag-papalaki ng katawan. Ang mga anghel na ito ay lubhang mga makapangyarihan!! Akin ngang sinabi sa Obispo, ang mga anghel ay mga sinugo upang dalhin ako sa langit. Isa sa mga anghel ay nag-simulang sumenyas sa akin na lisanin ang aking katawan. Nang ito’y mangyari, ang aking mga buto ay nanakit muli. Kung kaya, ang mga kapatiran kay Kristo na katabi ko ay nag-umpisang hilutin ang aking katawan at sinasabi nila na ang aking katawan ay nagiging kasing lamig ng yelo. Kaya sila ay kumuha ng portable heaters upang initan muli ang aking katawan. Habang ang mga anghel ay tumatawag sa akin na lisanin ang aking katawan, ako ay naging desperado at pumipihit ako mula kaliwa tungong kanan, paulit-ulit. Unti-unti kong nararamdaman ang kamatayan ay nananaig sa aking katawan at ako ay sumigaw sa mga kapatiran kay Kristo, “Huwag ninyo akong ililibing, mag babalik ako!”

Iniwan ko ang aking katawan, at ako ay lumundag mula sa aking kama. Nakita ko ang mga kapatiran kay Kristo hinihipo ang aking katawan at sinasabing, “Wala na siya, umalis na siya sa kanyang katawan!” Ngunit ako ay naroroon katabi nila sinasabi sa kanilang “Nandito ako!” Ganunpaman, hindi nila makita ang aking katawan dahil ito ay hindi nasisirang katawang espiritual. Ang aking mga kapatiran ay nag-pasimulang balutin ang aking katawan ng makapal na kumot.

Isa sa mga anghel ay nagsabi, “Oras na para umalis, dahil ang Panginoon ay nag hihintay sa’yo!” Bawat isang anghel ay tangan ako sa aking kamay at inilipad ako sa kalangitan at ako ay tumawid sa pamamagitan ng himpapawid singbilis ng kidlat. Tahasan kong sasabihin sa inyo ito, kahit kung hindi mo man paniwalaan ang ano man dito, ang aking Hesu-Kristo ay totoo at nabubuhay magpakaylan pa man.!!

Sa huli, nang ang Panginoon ay nagsabi sa akin na bumalik na sa aking katawan, Sabi ko sa Kanya, “Sino sa sanlibutan ang maniniwala sa akin, hayaan mong manatili ako Sa’yo!! Walang sinoman ang maniniwala sa kapahayagang ito, walang sinoman ang maniniwala dahil sila’y walang pananampalataya! Ang kakulangan ng pananampalataya sa sanlibutan ay malawakan, sino ang maniniwala sa karanasang ito?” Tumugon ang Panginoon, May maniniwala sa iyong patotoo, tanging ang mga kabilang sa tunay kong iglesia ang maniniwala sa’yo.”

Sa pagkaka-iwan ko sa aking katawan nang gabing iyon at ako’y lumilipad sa di-kapani-paniwalang bilis sa aking daan patungo sa pagbisita sa Panginoon. Ako ay may kakayanang tumingin sa ibaba at makita ang planetang mundo. At sinunud kong bagtasin ang buwan, ang kagilagilalas na buwan na nag-liliwanag sa gabing madilim sa mundo. Pagkatapos, nakita ko ang higanteng araw sa sarili kong mga mata; nakikita ko ang liyab na sumasabog mula sa araw na siyang nag papainit sa mundo. Sa aming pag-papatuloy nakita ko ang maraming bituwin sa aming pag-daan sa kanila. Pinahintulutan ako ng Dios na makita ko ang araw, buwan, at mga bituin dahil may layunin: ang layunin na iyan ay sabihin sa inyong lahat na ang ating Dios ay dakilang manlilikha ng kalawakan!!! Hindi Siya maliit sa anumang kaparaanan!    

Kami ay nag-patuloy sa aming pag-lalakbay sa napaka-tulin at di-kapani-paniwalang bilis hangang sa ma-abot ang lugar kung saan wala nang mga bituin. Wala nang nalikhang bagay, tanging kadiliman. Nakikita ko sa ibaba sa aking pag-tanaw na ang mga bituin ay nasa ibaba. Nag-simula akong matakot at tinanong ko sa mga anghel, “Saan ninyo ako dadalhin? Paki-usap ibalik ninyo ako sa aking katawan sa mundo!” Lalo nila akong siniksik at ikinapit ang isa sa kanilang mga paa paikot sa aking mga binti at hinawakan ako. Ako ay nag-pasimulang mamaluktot maigi dahil sa kakaibang kubang position dahil sa takot na aking nararamdaman.  Ang sabi ng anghel “Tumahimik ka!” Dadalin ka namin sa ikatlong langit kung saan naroroon si Hesus na nag-hihintay upang maka-usap ka! Ang mga anghel ay huminto at sa mga pag-kakataong ito ako ay tumitingin sa lahat ng direksyon ngunit wala akong makitang nilalang, hindi ko alam kung nasaan kaya ako, marahil naisip ko na ito ay ang ikalawang langit.

Ako nga ay nasa pamamaluktot na position habang ang mga anghel ay naka-hawak sa akin at biglaan kong naramdaman at narinig ang di maipaliwanag na ingay sa itaas ko na mga kalabog na nag tatakbuhan. Ang mga anghel ay siniksik ako at nagsabi, “Ricardo, huwag kang matakot, si Hesus ay kasama natin!” Habang sila’y nag-sasalita, sinabi rin nila, ”Tumingala ka paitaas at tignan mo ang nasa ibabaw mo!” Ako nga ay namangha sa aking nakikita sa mga kaguluhan ng mga nilalang na nasa itaas. Isa sa mga anghel ay nagsabi, “Tignan mo, ipakikita namin sa iyo kung ano ang nakikita mo sa ibabaw natin!” At isa sa mga anghel ay kumumpas sa kanyang kamay mula sa isang panig tungo sa kabila at inilawan ang buong kalangitan sa itaas upang makita kung ano ang naroroon. Habang ang kalangitan ay naliwanagan walang anuman doon kundi mga demonyo at masasamang espiritu na bumabalot sa buong kalangitan. Ang Panginoon ay sinaway silang lahat sa Pangalan Ni Hesu-Kristo!! Ang Biblia ay totoo!! Anuman ang nangyayari dito sa sanglibutan ay iyong makikita sa Apocalipsis. Si Hesus ay malapit nang dumating!! Paano kita mapaniniwala tungkol dito, ito ay tunay na MALAPIT NA!! Nag-tanong ako sa anghel, “Ano ang lugar na ito?” Isa sa kanila ay sumagot, “Ito ang makalangit na lugar ng kadiliman kung saan si Satanas at ang mga demonyo ay naninirahan.” Nasabi ko tuloy, “Kaya pala sobrang sama ng mundo! Ang mga demonyong ito ay pumupunta sa mundo mula sa lugar na ito at nag dudulot ng lahat ng uri ng pagkawasak at kasamaan sa sangkatauhan. Ang mundo ay puno ng mga demonyo!” Ang bilang nila ay milyon-milyon, ang mga demonyo ay hindi mabibilang.

Power RangersThundercats    Hindi naglaon ang mga anghel ay sumenyas na tignan kong maigi at ipinakita nila sa akin ang mga itsura ng mga nilalang at marami sa mga nakakatakot na mga nilalang ay mga naipapakita sa atin sa telebisyon. Ang mga nilalang na ito ay mga MALA-HALIMAW!! Nakita ko ang mga Thundercats at Power Rangers at caricatures mula sa mga animations at mga nakakatakot na palabas sa tunay na buhay. Lahat ng mga manlilikha ng mga palabas at animations ay nang-galing sa Diablo upang maipalabas ang mga ito para sa telebisyon at sinehan!! Ang lahat ng mga guhit kamay ay nagmula sa spiritual na kalagayan na aking naranasan. Bakit ninyo naiisip na ang mga kabataan ngayon ay mga rebelde? Dahil ang mga demonyo ay sumasapi sa inyong mga anak habang sila ay nanunood ng mga bagay na nag-papakita sa kanila.

Iyan ang dahilan kung bakit natin dapat turuan ang ating mga anak kung ano ang dapat panuorin sa telebisyon. Ang anghel ang nag-sabi sa akin na lahat ng iyan ay pawang totoo at tunay. Ang lahat ng mga demonyo ay nag-lipana at ang mga tao ay nakiki-pag-ugnayan sa masasamang espiritu upang anyayahan ang mga ito sa mundo. Ang mga demonyong ito ay nag-simulang sumpain ako, ang iglesia, at ang Dios Ama at ang Panginoong Hesus at ang sanlibutan dahil hindi nila nirerespeto ang Dios kahit ang kanyang mga nilikha.

Sumunod kong nakita ay ang tusong unano na nag-ngangalang Hugo, na siyang sikat na cartoon caricature sa Chile. Siya ay naka-sisindak pag-masdan. Lumapit siya sa akin at nag-sabi, “Kaming lahat ay pupunta sa mundo at papatayin ang lahat ng bata!” Bakit ka nag-tataka na ang mga bata ay pumapatay ng kapwa bata? Ito ay dahil ang ibang mga bata ay nag sasabing may lumabas sa telebisyon at nag-sabi sa kanilang gawin mo iyan o gawin mo ito. Ang mga demonyong ito ay nag-hahasik ng poot sa sanglibutan, iligtas nawa ng Panginoon at linisin ang Chile!! Isa sa mga anghel ang nag-sabi, “Patuloy mong masdan!” At ang sabi ng mga demonyo, “Nangahas kaming wasakin ang iglesia, ngunit hindi namin magawa dahil kapag kami ay pumatay ng isa, libo-libo ang nag- titindig at nada-dagdag!”

Buhat pa nang pasimula ng iglesia, ninais na ni Satanas na wasakin ito, ang iglesia na nangangaral ng tunay na mabuting balita at nag-papagal sa Dios, ay hindi niya magawa dahil ang Panginoong Hesus ang nag-iingat sa atin! Purihin ang Dios! Kaya ang sabi ng mga demonyo, “Gumawa tayo ng mga bagong bagay, pumunta tayo sa loob ng mga simbahan, dahil mayroon tayong mga kampon duon! Gagamitin natin ang mga taong iyan upang mag- palaganap ng tsismis at hidwaan sa mga mag-kaka-patiran sa iglesia. Gagawa tayo ng dahilan na gumuho ang mga simbahan sa pamamagitan ng tsismis at ang Banal na Espiritu ay mapipig-hati at lisanin ang iglesia.”Ang demonyo ay nag-tutungo kung saan-saan nag-hahanap ng mga taong nag-mamahal sa hustisya ng Dios upang wasakin. Gaya ng nakasulat sa bersikulong ito:

1Pedro5:8 
Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gay ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya.

Ayoko nang maka-kita ng ano paman, ngunit ang anghel ay nag-sabi na mag-patuloy akong tumingin sa mga pang-yayaring nagaganap. Nakita ko ang mga demonyo ay nag-takasan sa lahat ng dako habang ang nag-iisang maliwanag na nag-niningning na tala ay dumarating. Habang ang talang ito ay dumarating, ito ay nag-dadala ng matinding papuri at pag-luwalhati sa Panginoon. Ang talang ito ay hindi bituin, ito ay ang million-milyong mga anghel na naka-sakay sa puting mga kabayo na nag-pupuri sa Panginoon ng mga hukbo!! Sila ay nag-sisigawan “Banal, banal, banal ang Dios na nabubuhay mag-pakaylanman! Ang Panginoon ay ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas at lahat ng may hininga ay mag-puri sa Panginoon!” At nakita ko ang isang dakilang digmaan at hindi mo makita ang ano mang mga demonyo. “Kailan ma’y huwag kang matakot sapagka’t ang mga anghel ay higit na marami kaysa nasa panig ng mga kaaway!”

Ang mga angel ay naka-gawa ng daan patungong ikatlong kalangitan. Sila ay nahati sa dalawang grupo isa sa kanan at isa sa kaliwa. Ito ay bukas na daan tungong ikatlong langit! Ang daang ito ay patungong langit at makikita mo ang maka-langit na siyudad ng Dios. (Mayroong isang satellite sa mundo na naka-kuha ng mga larawan ng siyudad na ito. Ang maka-angit na siyudad na ito ay tunay. Ito ay naipalabas sa radyo at telebisyon.) Nakita ko ang maluwalhating parada ng kagila-gilalas na mga anghel. Naiwaksi nila ang lahat ng mga demonyo sa lugar na iyon at sila ay walang tigil sa pag-pupuri sa Dios na niluluwalhati ang Kanyang Pangalan! Ang mga anghel ay inilagay ako sa kanilang harapan at sinabi sa akin, “Kinakailangan mong mag-hintay dito!”

Sa kalayuan, nakita ko mula sa maka-langit na siyudad, nakita ko ang isang persona na nadaramitan ng puting mga damit nakasakay sa puting kabayo. Habang ang personang ito ay palapit nang palapit sa akin, ang mga anghel ay hindi humihinto ng papuri sa Ngalan ng Dios at niluluwalhati Siya. Ang personang ito ay lumapit na may distansyang 4 na metro mula sa akin. Ang mortal na ito ay napaka-ganda, higit na napaka-rilag kaysa sa ibang mga anghel. Inaasahan kong siya ay makiki-pag-usap sa akin, ngunit ang kanyang ginawa ay pinag-masdan niya ako nang sandali at sumigaw, “Ako! Ako si Michael na arkanghel na siyang naka-talaga sa pag-iingat sa iyo at sa iglesia sa lupa!” Naka-daupalad ko ang arkanghel na si Michael mukha sa mukha at siya ay tunay na marilag na nilalang! Siya ay pumihit at itinuro ang daan na aking daraanan patungong maka-langit na siyudad. Ang sabi niya, “Pumasok ka! Ang Panginoong Hesus ay nag-hihintay sa iyo!” Ako ay nag-lalakad sa daan tungo sa siyudad at habang ako ay dumaraan, ang mga anghel ay nag-sisigawan at nag-pupuri sa Panginoon. Ako ay umiyak at tumangis habang ako ay nag-mamasid sa siyudad.

Ang siyudad ay gawa sa purong lantay na ginto at ang mga pintuan sa tarangkahan ay yari sa perlas. Ang mga sahig ay animo’y kristal. Hindi pa ako nakakita nang anumang katulad nito sa lupa at ni hindi kayang gawin ng sinumang tao ito. Ang arkitekto ay ang ating Panginoon at Dios ng kalawakan. Nung ako ay nasa labas ng siyudad at ang mga pintuan sa tarangkahan ay malaking naka-bukas. At ang mga pintuang iyon ay nanatiling naka-bukas. Natatanaw ko ang nasa loob at ang nasa mga pader ay mga rubi at mga sapira at mga perlas na makikislap. At mula sa loob ng siyudad ay mayroong milyon-milyong mga tinig na nag-pupuri sa Dios! Ako ay nanlata mula sa labas ng siyudad na naririnig ito. Narinig ko ang natatanging tinig kung saan nayanig ang kalangitan at sa sinundan ng tinig na nag-sisigawan milyon-milyong papuri sa Dios na nag-sasabi, Banal, Banal, Banal ang Kordero ng Dios at ang Ama na sa Kanya natatangi ang kaluwalhatian at karangalan magpakaylan-kaylan pa man AMEN!”

Ang napaka-lakas na sigaw “KAYO’Y MAG-PAKABANAL! TANGING ANG MGA BANAL LAMANG ANG MAKA-PAPASOK SA LUGAR NA ITO! KUNG WALANG KABANALAN AY WALANG MAKA-KIKITA SA PANGINOON.” Kung walang kabanalan, walang maka-kikita sa Kanya.

Ang tinig ay nag-sabi, “Pumasok ka,” at ako ay pumasok sa siyudad. At nakita ko ang kahanga-manghang trono na nag-lalagablab. At ang trono ay nag-niningas sa apoy, ako ay nag-bigay galang at nakita ko si Hesus, ang Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon! Ako ay nag-patirapa sa kanyang harapan sa lupa na walang anumang lakas. Ang Kanyang kamay ay lumabas mula sa lagablab at iniabot sa akin at sinabi Niya, “Mag-tindig ka sa iyong mga paa!” Ako ay nag-bagong lakas at nag-tindig. Sinimulan kong hipuin ang kanyang mga paa at mga bisig at katawan. Nang makita ko ang kanyang mukha, ang kanyang kaanyuan ay hindi maikukumpara kung paano ginawang ipininta ng mga pintor sa lupa! Maraming tao ay lumikha ng mga dios-diosan na yari sa kahoy at marami pang mga imahen! Ngunit gusto kong sabihin mga kapatid, na ang Panginoon ay hindi nag-aanyo na kagaya ng mga iyon. Siya ay napaka-maskuladong Dios! Siya ay hindi basta-bastang Dios, Siya ay ang makapangyarihan sa lahat!! Sinabi Niya, “Ako ay Dios na hindi gawa sa tisa o kahoy, ako ay buhay na Dios na totoo!” Siya ay nag-patuloy, “Ipa-alam mo sa aking mga lingkod sa lupa na ako ay totoo!! Ako ay tunay na buhay at nananatili! Sabihin mo sa mga lingkod Ko na ang kalangitan ay totoo at Ako ay nag-hihintay para sa kanila!”

Sinabi Niya sa akin, “Pumarito ka at lumakad kang kasama ko at ipapa-kita ko sa iyo ang mga dakilang bagay.” Kami ay tumingin sa ibaba mula sa lupa at nakikita ang mundo at lahat ng mga nagagawa sa daig-dig. Sinabi ni Hesus, “Nakikita ko ang lahat na mga ginagawa ng aking mga lingkod!” Alam Niya lahat ng ating ginagawa at nag-karoon ako ng kakayanang makita ang marami sa inyo mula sa kalangitan. Sinabi sa akin ni Hesus, “Ang aking iglesia ay nawalan ng pananalig, ayaw na nilang maniwala na ako ay buhay. Sabihin mo sa mga lingkod ko na ako ay gagawa ng mga dakilang bagay sa mundo! Ang aking iglesia ay tumatalikod na sa akin kung saan dapat sila ay lumalago.”

Ang Panginoon ay nag-pasimulang tumangis para sa Kanyang iglesia at siya’y nag-sabi, “Ang iglesiang ito ay hindi Ko iglesia!” Ang tugon ko, “Panginoon, huwag po kayong mag-salita ng ganyan! Tunay ngang kami ang iyong iglesia.”   

At sumagot ang Panginoon, “Hindi, ang aking iglesia ay lumalakad sa kapangyarihang maka-babalaghan at tanda at milagro! Ang aking iglesia ay nang-hihina! Ganunpaman, sabihin mo, Ako ay mag-babalik upang buhayin silang muli!”

Sinabi Niya sa akin na mag-patuloy mag-lakad kasama Niya at kami ay nag-tungo sa isang pinto at ang sahig ay yari sa purong ginto. Ako ay nag-pasimulang mag-tatakbo ng pabalik-balik sa eskinitang ginto at namumulot ng mga gintong alikabok at ibinubuhos ko ito sa aking katawan. At sinabi sa akin ng Panginoon na bumalik at sabihin sa iyo na mayroong mga daang ginto sa kalangitan. “Ang lahat ng ito ay para sa aking mga lingkod,” Ang sabi ng Panginoon, “Ngunit, sa aking iglesia ay maraming mga mag-nanakaw na nag-nanakaw ng aking mga ikapu at mga handog! Sabihin mo sa Aking mga lingkod na walang mag-nanakaw na makakapasok sa Aking kaharian sa langit!” Kailangan nating ituwid ang ating mga buhay para sa Panginoon. At nakita namin ang napaka-habang mesa para sa milyong-milyong mga tao na napaka-sagana sa pag-kain at maraming mga inumin. Meron ding hindi mabilang na mga kurona at mga kristal na mga basong pang-okasyon para magamit ng mga tao. Ang sabi ng Panginoon,“Ricardo ang lahat ng ito ay matagal nang naka-handa para sa aking mga lingkod!” Ito ang naihandang piging para sa pag-papakasal ng Kordero.

Mayroon ngang isang kapatid na babae kay Kristo na dinala rin sa kalangitan at siya ay may nakitang mga anghel na paru’t-parito na nag-hahanda para sa hapunang pag-kain sa kasalan! Ang tanong ko sa Panginoon, “Bakit ang kapatid na babaeng ito ay nakakita ng mga anghel na nag-hahanda para dito, ngunit ako ay walang nakikitang nag-aabala para dito?” Sumagot ang Panginoon, “Dahil sa ang lahat ng ito ay kumpleto na!” May mga kurona para sa lahat ng nag-papagal at masunurin sa Panginoon. Bigla kong sinabi, “Panginoon kaylan ka nga mag-babalik? Ipakita mo sa akin ang orasan, ilang panahon pa ang natitira sa maka-langit na orasan?” Maraming ibang tao ay nag-karoon ng mga panaginip tungkol sa orasan, nag-papakitang halos kalaliman na kung saan ang Panginoon ay kinakailangan nang mag-balik. Aking tinanong, “Panginoon kelan ba darating ang takdang oras sa kalaliman ng gabi? Ito ba ay isang minuto na lang? Limang minuto?” Pinag-masdan ni Hesus ang aking mukha sandali, at kanyang sinabi, “Ricardo, sa kalangitan wala nang orasan!” Ako nga ay tumugon, “Kung ganun Panginoon, kung wala ngang oras, bakit hindi ka pa dumarating?”

Iniunat ni Hesus ang Kanyang mga kamay at ipinakita ang Kanyang hinlalaki at hintuturo na ipinapakita ang sinyales para sa mga bagay na napaka-liit at sinabi, “Ang lahat ng oras na natitira ay sadyang naka-salalay sa grasya ng Ama para sa mga tumalikod upang bigyan pa sila ng pag-kakataon na mag-sisi at gawin ang unang mga gawa.” Kung kaya ang Panginoon ng mga hukbo ay hindi pa nag-babalik dahil Siya’y nag-bibigay sa atin ng konting espasyo para mag-sisi at ang oras na iyon ay tinatawag na “Ang oras ng grasya ng Ama,” Si Hesus ay mag-babalik sa anumang oras, kinakailan nating mag-simula na hanapin Siya nang buo nating mga puso at mag-ayuno at manalangin at gawin ang unang mga gawa gaya ng dati. Ako ay malapit nang mag-tapos. Inulit ni Hesus,“Tayo ay nasa oras ng kahabagan ng Dios!”

At biglang lumitaw sa aming kanan ang isang anghel at sumigaw, “Ang oras ay dumating na!! Ang panahon ay tapos na. Ang lahat ng preparasyon ay kumpleto na! Ang asawang babae ay inaanyayahan na ni Hesus!” Ang Panginoon ay dumarating at lahat ng mga tanda ng kasulatan ay natupad na! Ang mga pelikula ay nag-papakita ng kakaibang delubyo na nag-babadya. Ang mga taong-siyensya ay nakababatid na may dakilang bagay na darating, ngunit hindi nila ito matukoy kung ano ito! Ganun paman, tayo na nasa iglesia ay nakaka-alam na si Hesus ay darating nang mabilis! Nang matapos na ang anghel na sumigaw, ay nag-simulang nag-lundagan at nag-kagalakan ang milyon-milyong mga anghel dahil sa ang asawang babae ay makaka-balik narin sa kalangitan. Patuloy akong nag-tatanong, “Ano ang nang-yayari?” ngunit walang pumapansin sa akin, lahat sila ay nag-diriwang sa mabuting mga balita. Kung kayat, ako ay sumama sa mga anghel at nag-simula na rin akong lumuwalhati sa Pangalan ni Hesus! Sa mga oras ding yaon, nuong aking itinaas ang aking mga kamay ay naramdaman kong mayroong bumuhat sa akin palabas ng kalangitan at dinala ako pabulusok sa ibaba ng sobrang bilis.

   Sa oras na ito, ang mga anghel ay nag-diriwang lahat dahil ang iglesia ay makakabalik na. Ako ay nag-balik sa mundo at ibinagsak sa pulpito ng simbahan kung saan ako ay nananalangin bawa’t araw. Kulang na ang oras!! Kung hindi mo ako gustong paniwalaan, kung ganun huwag kang maniwala.. Ngunit Siya ay dumarating at ito ay para sa walang-hanggan. Ang mga lingkod ng Dios ay ayaw paniwalaan ang pag-takas (rapture). Paki-usap gumising, alang-alang sa Dios gumising sa katotohanan!! (Umiiyak si Ricardo).

Nuong kasama ko pa ang Panginoon sa aking tabi at sinabi Niya sa akin, “Ricardo, ganito ang magiging kahihinatnan ng pag-takas (rapture) kung ito ay magaganap ngayon!” Ako ay nag-karoon ng kakayanang makita ang buong mundo at ang napaka-halaga at magandang Banal na Espiritu, and Isang nag-bibigay sa atin ng kapayapaan at kagalakan na nililisan and mundo. At bigla kong nakita ang usok na pumasok sa simbahan at pinalibutan ako at tinanong ko ang Panginoon, “Ano po ito?” “Ito ang tinatawag na Rapture.” At nakita ko ang mga tao na winawasak ang mga pintuan ng simbahan, sa kagustuhang pumasok, at sumisigaw, “Nasaan ang aking mga anak? Lahat sila ay nawawala!” Ang lahat ng mga bata sa sanglibutan ay nag-laho dahil ang Dios ay hindi mag-iiwan. Ang unang pumasok sa simbahan ay ang director ng choir, nag-sisisigaw, “Nasaan ang mga Kristiano! Napag-iwanan ako! Nandito pa’ko! Nandito pa’ko!” Pag-katapos ng director ng choir, nakita ko ang ibang mga pastor at mga kapatirang lalake at babae at ang Obispo ng simbahan na lahat ay nag-iiyakan, “Napag-iwanan ako!” Maraming mga magulang at mga asawa ay nag-hahanap para sa kanilang mga mahal sa buhay at ang mga taong simbahan ay nag-sasabi, “Ang inyong mga manal sa buhay ay wala dito! Kinuha na sila ng Panginoon.” Kung mag-kaka-ganun ang lahat ng mga tao ay tatangis, “Tunay nga ang lahat ng ito, dumating si Hesus at kinuha Niya ang kanyang asawang babae!”

Ang mga tao ay umiiyak at tumatangis nag-nanasang sana ay naniwala din sila kay Hesus na Kristo. Ang bawa’t isa na hindi sumasampalataya kay Hesus bilang Mesias ay napahamak na! Nakita ko ang mga tao at mga pastor na umiiyak at ang mga tao ay nag-simulang hanapan ang mga pastor, “Bakit hindi ninyo ipinangaral ang katotohanan, bakit hindi kayo nag-turo ng kabanalan at binalaan ako tungkol dito? Kasalanan mo ito kung bakit ako napag-iwanan!” Marami ang mananatiling napag-iwanan dahil hindi sila nanga-buhay ng may kabanalan. Kailangan natin mangaral ng totoong kabanalan at ituro sa mga tao na tunay na mag-sisi! Nakita ko kung papano binubugbog ng mga tao ang mga pastor at sila ay nakiki-usap na huwag silang saktan. Ang mga tao ay hindi tumitigil dahil sinaniban na sila ng mga demonyo.

    May buong mga simbahan na mapag-iiwanan. Nakita ko ang isang lalaki na dinukot ang kanyang mga mata dahil sa kalumbayan. At ini-uuntog ng mga tao ang kanilang mga ulo sa pader dahil hindi nila maintindihan na si Hesus lang ang tanging kasagutan. Dahil gusto ng mga tao na mag-patuloy sa kasalanan at kasamaan at mabuhay sa mundo sa kaparaanang gusto nila. Hinihiwa ng mga tao ang kanilang mga sarili at nag-uuntog ng mga ulo hanggang sa makita mo ang kanilang mga bungo na basag at sila ay nangag-tutumbahan sa lupa. At nakita ko ang dugo na umaagos sa simbahan mula sa mga tao na sinasaktan ang kanilang mga sarili. At nakita ko ang isang kabataan na umiiyak sa Dios, “Panginoon, paki-usap, kunin mo ako!” Huli na ang lahat. Dumating na ang Panginoon at kinuha na Niya ang Kanyang Iglesia. Ako ay nasubasob sa lupa dahil nakita ko ang marami pang ibang kasindak-sindak na mga bagay.

Sinabi ni Hesus sa akin, “Sa dakilang kapighatian, mag-kakaroon ng kaguluhan na hindi pa nang-yayari kaylan man.” Ako nga ay nag-tanong, “Bakit ang mga tao ay nag-babangon muli pagka-tapos nilang masaktan ang kanilang mga sarili ng nabaka-lubha?” Sinabi ni Hesus sa akin, “Dahil sa mga oras ding ito, ang mga tao ay mag-nanasang mamatay, ngunit hindi nila ito masusumpungan. Ang kamatayan ay tumakas sa sanglibutan”. Tinanung ko ang Panginoon, “Bakit ang lahat ng mga pastor at mga taong ito ay mga napag-iwanan?” At sumagot ang Panginoon, “Dahil kilala ko sila. Nalalaman ko ang kanilang mga puso.” Kilala tayo ng Dios.. Batid Niya ang laman ng ating mga puso. Ako ay natumba sa lupa, halos nawalan ng malay. Sinabi ni Hesus, “Ninais kong ipakita sa iyo ito upang mabigyan mo ng babala ang aking iglesia at bigyan sila ng pag-asa. Sabihin mo na kung ang tao ay mag-sisisi ngayon, patatawarin ko sila habang may panahon pa. Gagawa ako ng dakilang bagay sa sanlibutan.”

Paki-usap, buksan ninyo ang inyong mga mata. Ang evangelical church sa Chile ay lumalago. “Sabihin mo sa aking mga lingkod na kung hihingi sila ng kapatawaran, ay patatawarin Ko sila.” Ako ay muling naka-kita ng isa pang pangitain at nakita ko ang apoy na bumabalot sa buong kalangitan. Nagtanong si Hesus, “Nakikita mo ba iyan? Ang apoy na iyan na nakikita mo sa ibabaw ng mundo, ay ang apoy is ibabaw ng bansa ng Chile. Dahil and Chile ay magiging para kay Kristo! Babaguhin ng Dios ang Chile!” At nakita ko ang apoy ay umuusad at gustong pumunta sa Chile at sinabi ni Hesus, “Ang mga mata ng aking Ama ay nasa Chile.” Kapag ang apoy ay bumagsak sa Chile, maraming mga bansa ay masasasaksihan ito at malalaman na ang Dios ay kumikilos sa Chile. Dinala ako ng Panginoon sa pangitain sa lugar na tinatawag na “Paseo Humada” at ipinakita sa akin na ang mga taong pingkaw at lumpo. At nakita ko ang mga tunay na mananampalataya na nananalangin para sa mga lumpo na walang mga paa at inuutusan ang mga paa na tumubo. Ang mga paa ay sumusunod at tumutubo sa paningin ng lahat. Ang mga taong walang kamay ay nag-kakaroon ng biglaang pag-kaka-likha ng mga kamay. Sa mga oras ding ito, ang mga patay ay bubuhayin at ang Chile ay gagamitin ng Dios upang gumawa ng parehong kababalaghan na ginawa ng mga apostol na kagaya ng dati sa panahon ng bibliya.

Iyan ang buong kapahayagan na ibinigay ng Dios sa akin (Ricardo Cid). Siya ay darating nang mabilisan. Maranatha! (Pumarito Ka na Panginoon!) Amen!

 







Website Builder